Pag naghihintay ka ba ng sasakyan, mapili
ka? Yung tipong kahit late ka na, pinipili mo pa rin kung saang bus, jeep,
taxi, motorsiklo, bisikleta, tricycle, pedi-cab… umm… kuliglig, kariton, at… o
sige tama na hehehe…
Okay balik sa seryoso… ako kasi madalas namimili
talaga kung saang bus sasakay kahit alam kong ubod ng traffic at siguradong
male-late na ako sa aking destinasyon… Pagkatapos marahil ay maitatanong niyo
kung ano pa ba ang karapatan kong maging mapili sa kung saan ako sasakay e heto
ngang baka mapagiwanan na ako sa pupuntahan ko? Hindi rin naman ako
napakaimportanteng tao na kailangan pang sumakay sa nakapaganda at mamahaling
sasakyan para lang makarating sa aking pupuntahan… Atsaka… ano pa ba ang
hinihintay ko?
Hindi naman talaga yung mga bus o jeep o
kung ano pa na maganda ang itsura yung hinihintay ko palagi… Palaging yung alam
ko na pagsakay ko e magiging komportable ako sa loob at sa tatahakin ko ay
hindi ako basta-basta maaaksidente o kung ano pa mang hindi magandang
pangyayari… Kumbaga tinitignan ko rin yung marami pang bakanteng upuan para
maginhawa… komportable at masaya…
Ayos lang naman maghintay-hintay ng
paparating na sasakyan… huwag lang masyadong matagal at baka talagang wala na
akong maabutan hehehe…
P.S. Kung hindi niyo pa nakuha, hindi
tungkol sa pagco-commute ang sulatin na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento