Miyerkules, Abril 9, 2014

From the Lemon of Your Eye

Why the title for this entry? Well... it would be explained as I go on, but anyway... this is really about something that I have been feeling for quite a while now... almost a year of this, something I've felt... so deeply yet often doesn't show... 

But you already know... I've told you... or rather, tried to tell you properly but I just can't make from the responses you give me... kung paano ko talaga ipagpapatuloy... Hindi talaga ako marunong pagdating sa mga ganitong bagay... something a young man of my age should already know very well...

But going back... It would have been great... pero sa simula pa lang... maling mali na e...

Sana hindi muna tayo tinukso nung pagpasok ko pa lang sa agency natin almost a year ago (how time flies)... hindi sana tayo ginawang 'showbiz'. Kasi kahit naman hindi nila gawin yun, magkakagusto't magkakagusto naman ako sayo e, kung yun ang talagang gusto nilang mangyari... Kasi sabi ko nga sayo one time - maganda, mabait at matalino ka... tapos sigurado nagkakasama lagi tayo sa mga trainings, seminars, etc.

But yun nga e... due to the 'love team' like exposure that we had... in the end nasira na yung mga plano kong gawin tungkol dito... dahil nga nagkailangan na... or at least that's what I think (mali ba?)...

It would have been like this...

Gaya ng sabi ko, sana hindi tayo tinukso, not during the time na nag-start ako sa agency... or ever. Nai-imagine ko kasi... since magka-age group naman tayo (kahit mas gurang ako sa inyo hehehe), at work we'll always be in the same group, committee or if not, just the same project and there would always be some sort of communication between us... and outside work, syempre sa mga lakad, gimik... and nagkasama nga naman tayo in two... sa Enchanted tsaka Star City di ba? And also, since we came from the same area and during a time madalas nga tayong magkasabay umuwi, we could have become closer kung walang kasamang ilangan... as friends.

In short, we could have been close during those times... without malice. Because I do have a number of girlfriends (literal!) who are really just close friends. At kita mo naman sa office na ka-close ko si 'ate' na kasama ko sa division... again, walang malisya. Kaya... kung naiba lang dati... kung hindi 'showbiz', e di sana kasing-close kita tulad ni 'ate' at nagdevelop ng husto friendship natin. And then... once na nagkagusto na nga ako sa iyo... after quite a while... months perhaps… at nagtapat na ako sa iyo... e di mas maganda. I mean... of course you might reject my feelings because you'll say that you don't want to destroy the friendship... and yes, I'll be hurt... for a while… but then I'll choose to let go and keep the friendship. And since may kasunduang ganun… hindi sana tayo nagkakailangan sa office ngayon… Okay lang sana…

Pero dahil nga sa ‘pressure’ and, adding to it, nagkagusto na nga talaga ako sayo… I acted rashly sa mga diskarte ko… dahil… ayokong maunahan… Maraming nagkakagusto ko sayo… yung iba nga baka hindi mo pa alam hehehe… me matukso lang sayong iba sumasama loob ko kahit wala naman akong karapatan… e gustong gusto nga kasi kita pero sa pagmamadaling dumiskarte nagkanda mali-mali na ako…

Nung team building nung July last year, sana imbis na nakipag-inuman ako sa mga tito at kuya natin nag-usap na lang tayo… ng maayos… pinaintindi ko sa iyo lahat-lahat… Although, memorable pa rin sakin yung mga araw na iyon dahil… (sigh) dun sa pag-demo natin ng ‘card game’ na baraha lang yung naghihiwalay sa mga labi natin… isipin mo na lang kung ano naramdaman ko noon…

Tapos nung occasion ng office natin sa Century Park Hotel nung October 24… umuwi kagad ako dahil biglang sumama pakiramdam ko… enough said…

Tapos… yung pauwi tayo nung gabi na galing sa Star City nung early December… tapos magkatabi tayo sa bus… chance ko na sana yon… kaso almost the whole trip it’s either nakikipag-text ka… or tulog ka… kaya nag-try na lang akong mag-open up ng conversation tungkol sa feelings ko sa iyo… nung malapit na akong bumaba. Tapos ngayon sising-sisi ako dahil naiisip kong baka kaya nakikipag-text at natutulog ay dahil hinihintay mo ako.

Tapos nung Christmas Party… nung games tsaka nung nag-acapella duet tayo… (sigh…) And nung kinanta ko yung bagong song ko… na obviously naman para sa yo…

At ito… and I swear this is true… nung December 23… dahil malapit na birthday mo nun (pati Pasko hehehe)… me binalak ako… Naka-leave ako nun, pero binalak kong kuntsabahin ang kahit sino sa mga kaibigan natin para mag-lunch out kayo at kitain ko kayo dun sa napili niyong lugar… na me dalang bouquet… Pero nung palapit na yung araw pinanghinaan ako… kasi hindi ko alam kung anung magiging reaction mo… Madami na ako masyadong pagkakamali, sa mga hirit ko… sa mga kilos ko… kaya hindi ko na talaga alam…

Lately… sa tuwing nagkakasalubong tayo ramdam na ramdam ko yung ilang… kumbaga… kung ikaw man ang ‘apple of the eye’ ko… ako naman ang lemon of the eye mo… dahil pag nakikita mo ako parang pinapatakan ka ng kalamansi sa mata! Hahahahahahaha!!!!

Haaay…

Mahal kita… yun na lang… bahala ka na… kung wala na talaga…? Or wala na nga ba…? If ganun na nga… I should start moving on, shouldn’t I?

The answer is really obvious as it is... pero talagang…

Kaya sa susunod na me magustuhan ulit ako... halos wala munang makakaalam...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento