Miyerkules, Disyembre 31, 2014

Goodbye 2014... Hello 2015

Isang taon na naman ang lumipas... at unti unti na namang nagsisimula ang pag-ingay ng paligid na para bang ingay na masayang tumataboy sa pagyao ng taon... ngunit pagdiriwang din naman ng bagong simula...

OO... isa na naman itong 'New Year message' na madalas makita tuwing Dec 31 o Jan 1... kaya kaunting paumanhin lang sa pagmumuni-muni ng frustrated creative writer na ito... (hehehe)

Nais ko lang magbigay ng mensahe habang paparating ang taong 2015...dahil sa mga natutunan kong makapagpabagong buhay sa taong unti-unti ng lilipas... 

Nitong nakaraang linggo lang ay narinig ko sa aking kapitbahay na isang ministro ang 'God does not make mistakes'... magandang mensahe... pero para umakma sa lahat... gawin na lang nating...

'Life does not make mistakes'

Kahit ano pang isipin mo pag ikaw ay tila pinagsakluban ng langit at lupa at sa lahat na lang yata ng aspeto ng buhay mo ay tila di ka yata natilamsikan lang ng swerte... 'Life does not make mistakes'

Kung naiisip mo na parang lahat na lang ng desisyon mo ay mali... 'Life does not make mistakes'

Kung naiisip mo na sana... umm... quoting the lyrics of a love song... 'Wish I had a time machine, I could make myself go back until the day I was born...' well... 'Life does not make mistakes'!

Naramdaman ko na lahat ng nabanggit ko na yan... ngunit ngayong taong ito... napatunayan ko na lahat pala ng pangyayaring kamalasan sa buhay ko... lahat pala ng mali... ay kailangang kailangang mangyari para sa wakas ay matuklasan ko... 

Ang swerte na magtatama sa buhay ko...

Napatunayan na walang basehan ang naramdaman kong galit, selos, takot, kawalan ng tiwala sa sarili, paranoia... at higit sa lahat... inggit...

Hindi mabuti ang inggit... nagdudulot ito ng pagbubukas ng isip at damdamin sa iba pang negatibo at MAPANIRANG emosyon. Nitong mga nakaraang taon ay nakadama din ako ng matinding inggit sa maraming bagay... na naging sanhi ng kawalan ko ng tamang focus sa aking trabaho... At a few years back pa... ako ang kinainggitan and believe me... you don't want to be in the receiving end of it... dahil masisira ang kredibilidad at pagkatao mo...

Kaya huwag na tayong makaramdam nito sa mga susunod na taon... dahil hindi natin dapat ikumpara ang buhay natin sa iba dahil iba-iba ang buhay na nakalan sa atin at dahil nga...

'Life does not make mistakes'

Dapat makuntento at gamitin ang kung anong meron tayo, wag ng mangarap ng napakataas... ayon nga sa text ng kasama ko sa trabaho... 'Life consists not in holding good cards, but in playing those you hold well...'

Gawin sana nating positibo ang susunod na taon... at mabubuhay ako ayon sa mga kakasulat ko lang... maging masaya at masagana tayong lahat pero bago ang lahat ng yan..